Pursued

How is it that when I stopped chasing peace, 

Peace itself started to pursue me? 

Advertisements

The Rope and the Pit of Lions

It will always come to a point where your hope will be tested, that no matter how well you try to dress it with positivity, it will always, always find an excuse to be weak. Because that’s easier. Yes, it is way easier to just let go of the rope than hang on, especially when your hands start to burn and splinter. 

“No one expects me to be strong in this kind of situation,” your shaky hope will say, and then you’ll find, without much struggle, your whole being agreeing to it.

“I have every right to let go,” again, your shaky hope will reason, and before you know it, you will completely lose grip of the rope that’s supposed ro be keeping you steady. 

And you fall…

In a pit of desolation. You’ll find out that it’s okay to be alone sometimes… but only until it becomes too dark. And from the shadows of the pit you’re in, you’ll hear them. 

The silent taunting and growling. The sly shuffling of feet as they move towards you. 

Lions.

With their eyes glinting in the darkness, all hungry and pleased to see you. And that flickering hope you have will tell you that this is the end. There’s no escape. This is your home now. Here with the lions. 

And so as they step closer and closer, you’ll let them take you. “This is the end,” you’ll say. “I’ve let go and this is the way.”

Yes, dear hope, we can end the story here. But do you really want to?

Pause

People often think that pausing is a sign of weakness–an indication of reaching the end of your strength…of not having enough power and will to fight your battles. 

I don’t think that’s true all the time. 

In fact, I believe that every pause holds a certain power. That it is not a sign of weakness, but of strength. Because only strong people can admit to themselves that they need to take a break. So they can start again. They don’t work thoughtlessly until they’ve ran out of energy so they can just stop where they are. Rather, they pause so they can gather the strength and will to keep going. 

A pause is not a stop. It is not saying “I give up,” but saying “let me think of a way to get through this.” Yes, sometimes it would mean “I’m tired,” but it will never be too tired to say “I can no longer go on.”

A pause never says “I quit.”

So can HOPE pause, too? 

My answer is yes, as long as it desires to keep hoping. Because when HOPE stops, LOVE ends. And what valid reason do we have to stop loving?

Saktong Buhay: Sa De-Kalidad na Edukasyon Pinanday

These words were written for Dr. A. Albert Elementary School’s Recognition Day this March 23, 2015. To God be the glory.

(Language: Filipino)

~~~

pandayTEMA: SAKTONG BUHAY: SA DE-KALIDAD NA EDUKASYON PINANDAY 

Sa mahal na punong-guro ng Dr. A. Albert Elementary School, Mr. Randy R. Emen, mga butihing guro, magulang, panauhin, at higit sa lahat, sa ating mga natatanging mag-aaral, magandang hapon.

Ako po’y lubos na nagagalak na ako’y inyong inimbitahan sa napakahalagang araw na ito, upang maghayag ng isang munting mensahe patungkol sa kahalagahan ng de-kalidad na edukasyon sa pagpanday ng ating kinabukasan. Marahil karamihan sa atin ay pamilyar na sa konsepto ng pagpapanday, gawa ng mga palabas sa telibisyon at pelikula na ating nakita, maging sa mga libro na atin nang nabasa. Ako, kapag nabanggit ang salitang “pagpapanday,” ang unang larawang sumasagi sa isip ko ay isang bagong-gawang espada, na handa nang sumabak sa digmaan. Kung ihahalintuad ito sa buhay ng isang mag-aaral, ang buong proseso ng pagpapanday ay ang kanyang edukasyon, habang ang espada naman, na syang produkto ng prosesong ito, ay ang kanyang kinabukasan.

Sa hapong ito, nais kong ibahagi ang tatlong mahahalagang proseso o hakbang sa pagpapanday, at kung paano natin ito maihahalintulad sa edukasyon.

Ang unang hakbang ay tinatawag na FORGING, kung saan ang bakal na pinalambot sa apoy ay hinuhubog sa hugis na nais ng panday, gamit ang hammer o pamukpok. Ang makapal at maikling bakal ay maaring panipisin at pahabain, ang  baluktot ay maaaring ituwid, at ang kabaligtaran nito.

Tulad ng martilyo na siyang nagbibigay-hugis sa metal, bilang mga mag-aaral, ang mga taong nakapaligid satin ang siyang humuhubog sa ating kaalaman.

Ang una at ang pinakamahalaga sa lahat, ay ang ating mga magulang, sapagkat sabi nga nila, ang karunungan ay nagsisimula sa tahanan. Ang ating mga magulang ang nagturo sa atin ng unang salitang ating binigkas, unang kulay na ating nakita, unang lasang ating natikman, at unang letra na ating sinulat. Sa ating mga tahanan din unang nahuhubog ang ating pag-uugali, prinsipyo, at pananampalataya.

Ako po ay mapalad sa aking mga magulang sapagkat sa aking murang edad ay ibinahagi na nila sa akin ang kahalagahan ng edukasyon. Lagi nilang sinasabi sa akin noon sa tuwing nawawalan ako ng pag-asa na “sa sipag at tiyaga lamang makakamtan ang magandang kinabukasan.” Kaya naman sila ang aking naging inspirasyon upang magkaroon ng tamang disiplina sa pag-aaral at huwag huminto sa pagtuklas.

Sa mga magulang na naririto ngayon, naniniwala ako na kung hindi dahil sa inyo, hindi sana nakaupo sa tabi natin ngayon ang mga kabataang ito, habang hinhintay na isabit sa kanila ang kanilang mga medalya. Bilang isang ring anak, taos-puso po ang pagbati ko sa inyo, at nawa’y hindi kayo manawa sa paggabay at pagsuporta sa kinabukasan nga inyong mga kabataang ito, hanggang sa sila’y tumanda.

Sunod sa ating mga magulang, napakalaki ng papel na ginagampanan ng ating mga guro sa paghubog ng ating karunungan. Malaking bahagi ng ating mga kaalaman sa araw na ito ay bunga ng walang patid na pag-aaral, pagsaliksik, at pagpupuyat ng ating mga guro. Sabi nga nila, “it takes a big heart to shape little minds.”

Aminin natin na hindi sa lahat ng pagkakataon ay kanais-nais tayong mga estudyante. Kahit ako noon, madalas ding pinapatawag ang magulang ko dahil sa kakulitan ko at kadaldalan. Sa kabila ng mga ito, hindi nagsasawa ang ating mga guro na tayo ay turuan at pagpasensyahan.

Ilan sa aking mga naging guro ay nandito parin at nakikinig sakin ngayon. Hindi ko po alam kung naaalala pa ninyo ako, ngunit nais ko pong magpasalamat sa inyo, dahil ang mga tinuro ninyo sa akin ang syang naging pundasyon ng lahat ng aking nalalaman at nakamit hanggang sa araw na ito. Lubos ko pong ipinagmamalaki na ako ay produkto ng paaralang ito, sapagkat sa aking pagtanda, lalo ko pong nakita na iba talaga ang kaledad ng isang Batang Albert. May ibubuga. World class.

Ikatlo, kahit hindi natin namamalayan, tayo ay nahuhubog din ng ating kapwa kamag-aral. Dahil sila ang ating unang mga kaibigan, mas napapasaya at nagkakaron ng kulay ang ating buhay sa paaralan. Sila ang ating tanungan kapag may bahagi ng aralin na hindi natin naunawaan. Sila rin ang ating unang tatawagan (o sa panahon ngayon, i-cha-chat sa facebook) kapag hindi tayo nakapasok at may takdang aralin.

Sa pamamagitan ng mga gawaing pampangkat, natututo rin tayong magbahagi ng ating mga nalalaman sa bawat isa. Kadalasan, ang ating mga kamag-aral din ang ating nagiging inspirasyon upang mas maging masigasig sa pag-aaral upang mas gumaling pa.

WELDING naman ang tawag sa ikalawang proseso sa pagpapanday. Sa hakbang na ito pinagkakabit o pinagsasama ang dalawa o higit pang metal, upang mabuo at mas maging kagamit-gamit ang sandatang pinapanday.

Habang tayo ay tumatanda at tumataas ang ating antas, marami tayong bagong matututunan. Ngunit hindi ibig sabihin nito na kakalimutan na natin ‘yung mga natutunan natin noon. Gaya ng pag-wewelding, ang pag-aaral ay hindi lamang para sa pagkamit ng mga bagong kaalaman, sa halip, ito ay para sa pag-uugnay-ugnay ng lahat ng ating mga natutunan—nakuha man natin ito sa silid-aralan, sa tahanan, o base sa sarili nating karanasan.

Nais ko ring bigyan ng diin ang kahalagahan ng pagse-self-study, o ang pag-aaral kahit walang tumitingin o gumagabay. Mapalad kayo sapagkat halos lahat ng impormasyon ngayon ay madali na nating makuha gamit ang internet, at iba pang bagong teknolohiya. Noong panahon namin,nakasalalay lamang kami sa kung anong makikita sa aming mga libro. I-maximize natin ang paggamit ng makabagong teknolohiya sa pagpapalawak ng kaalaman.

Ang ikatlong at huling hakbang ay ang FINISHING, kung saan ang sandata ay hinahanda na para gamitin. Sa hakbang na ito tintiyak ng panday na ang dating hilaw na bakal ay isang ganap nang armas.

Sa buhay ng isang mag-aaral, ito ay ang panahon na siya’y malapit nang magtapos at naghahanda nang gamitin ang kanyang mga natutunan upang maging kapaki-pakinabang na miyembro ng lipunan. Para sa akin, the ultimate purpose of learning is to share what you’ve learned to the world. Ang edukasyon ay hindi lamang para sa pansarili nating pakinabang, kundi ang kabaligtaran. Tayo ay nagpapakadalubhasa upang tayo ay makapaglingkod—sa ating pamilya, sa komunidad na ating kinabibilangan, sa bayan, at kung saan man tayo dalhin ng ating mga paa.

Mahalaga ring tandaan natin na walang dalawang espada ang eksaktong magkatulad, kahit pa isa lang ang nagpanday sa mga ito. Tayong lahat ay nilikha ng Diyos na may kanya-kanyang katangian at talento. Kaya naman huwag tayong panghinaan agad ng loob kapag tayo’y nabibigo sa mga pagsubok, o akala natin ay hindi tayo napapansin. Alamin natin ang ating kalakasan, at gamitin natin ito upang magpatuloy at magtagumpay.

Bago ako magtapos, nais kong bigyan ng diin ang pinakamahalagang elemento sa buong proseso ng pagpapanday—ang apoy na siyang nagpapalambot sa metal upang ito’y maihulma sa tamang hugis.

Ang apoy na ito ay sumisimbulo sa ating sigasig at pagnanais na matuto. Kung wala ito, mawawalan ng saysay ang pagsisikap at pangaral ng ating mga magulang at guro upang tayo ay umunlad at maging kapaki-pakinabang. Aking natutunan na minsan, it’s not really about the school, it’s in your willingness to learn. At hangga’t nais pa nating matuto, may matututunan pa tayo.

Nais kong batiin ang bawat isa, sapagkat sa murang edad pa lamang ay nagpamalas na kayo ng katangi-tanging kauhawan upang matuto at tumuklas. Nawa ay baunin ninyo ito hanggang sa inyong pagtanda.

Congratulations sa inyong lahat, at maraming salamat.